28At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.
29Kaya kung mayroong sumiping sa asawa ng iba, ang sinumang humawak sa kanya ay tiyak ang parusa.
30Hindi hinahamak ng tao ang magnanakaw kung ginagawa niya iyon upang maibsan ang kanyang gutom.
31Subalit, sa sandaling siyaʼy mahuli, pitong ulit siyang magbabayad, kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan niya.
32Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan. Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.