2kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabi at nabitag ng iyong mga salita,
3ito ang gawin mo upang ikaw ay lumaya dahil tuluyan ka nang nahulog sa kamay ng iyong kapwa: Puntahan mo siya at ikaw ay magpakumbaba, pakiusapan mo siya hanggang sa palayain ka.
4Huwag mo nang ipagpaliban, gawin mo na ngayon. Huwag mong hayaang ikaʼy makatulog.
5Palayain mo ang iyong sarili tulad ng isang ibon o usa na nakawala sa bitag ng isang mangangaso.
6Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.