Mga Kawikaan 30

Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.

Proverbs 30:8 (UKJV) Remove far from me vanity and lies: give me neither poverty nor riches; feed me with food convenient for me:

6Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita, dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”

7Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.

8Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.

9Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.

10Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.