5Ang bawat salita ng Diyos ay tunay na mapagkakatiwalaan. Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
6Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita, dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”
7Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.
8Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.
9Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.