Mga Kawikaan 30

Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.

Proverbs 30:9 (UKJV) Lest I be full, and deny you, and say, Who is the LORD? or lest I be poor, and steal, and take the name of my God in vain.

7Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.

8Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.

9Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.

10Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.

11May mga sumusumpa sa kanilang mga ama at hindi pinagpapala ang kanilang mga ina.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.