8Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.
9Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.
10Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.
11May mga sumusumpa sa kanilang mga ama at hindi pinagpapala ang kanilang mga ina.
12May mga malilinis ang turing sa sarili, subalit hindi sila nalilinis sa kanilang karumihan.