5Tuwing matatapos ang handaan, naghahandog si Job para sa kanyang mga anak. Maaga siyang gumigising at nag-aalay ng handog na sinusunog para sa bawat anak niya, dahil naisip niyang baka nagkasala ang mga ito at sinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso. Ito ang palaging ginagawa ni Job.
6Isang araw, nagtipon ang mga anghel sa harapan ng Panginoon, at sumali sa kanila si Satanas.
7Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt parito na naglilibot sa mundo.”
8Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya at malinis ang pamumuhay. May takot siya sa akin at umiiwas sa kasamaan.”
9Sumagot si Satanas, “May takot ba si Job sa iyo kung wala siyang napapala?