Job 11

Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kami ng mga sinasabi mong walang saysay? Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayin sa iyong panunuya?

Job 11:3 (UKJV) Should your lies make men hold their peace? and when you mock, shall no man make you ashamed?

1Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,

2“Hindi dapat palampasin itong mga sinabi mo. Hindi mapapatunayan ng isang tao na wala siyang kasalanan sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita.

3Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kami ng mga sinasabi mong walang saysay? Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayin sa iyong panunuya?

4Sinasabi mong tama ang iyong paniniwala at matuwid ka sa paningin ng Diyos.

5Buksan sana ng Diyos ang kanyang bibig at magsalita siya laban sa iyo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.