Job 12

Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao.

Job 12:10 (UKJV) In whose hand is the soul of every living thing, and the breath of all mankind.

8Kausapin mo ang lupa at ikaʼy kanyang tuturuan, o kayaʼy hayaan mong magpahayag saʼyo ang mga isda sa karagatan.

9Sa lahat nang mga ito, mayroon bang hindi nakakaalam? Ang kamay ng Panginoon mismo ang gumawa nito?

10Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao.

11Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita.

12Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.