Job 12

Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom.

Job 12:17 (UKJV) He leads counsellors away spoiled, and makes the judges fools.

15Kung pipigilin niya ang ulan, matutuyo ang lupa, at kung ibubuhos naman niya ito, babahain ang lupa.

16Makapangyarihan siyaʼt matagumpay, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mandaraya at ang dinadaya.

17Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom.

18Pinaaalis niya ang mga hari sa kanilang trono at ipinabibihag.

19Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.