15Kahit patayin pa ako ng Diyos. Ano pa ba ang mawawala sa akin? Ngunit ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya.
16Baka sakaling sa pamamagitan nito ay maligtas ako, dahil walang masamang tao na makakalapit sa kanya.
17Makinig kayong mabuti sa aking sasabihin; at ang mga salita koʼy inyong dinggin.
18Ngayong handa na akong ipagtanggol ang sarili ko; alam kong mapapatunayang wala akong kasalanan.
19Sino ang makakapagparatang na nagkasala ako? Kung mayroon nga, mananahimik na lang ako hanggang sa mamatay.