13kaya sa iyong pananalitaʼy kinakalaban mo ang Diyos at nagsasalita ka nang masama?
14“Kaya ba ng isang tao na mamuhay nang malinis at matuwid sa paningin ng Diyos?
15Ni hindi nga lubusang nagtitiwala ang Diyos sa mga anghel niya. Kung ang mga nilalang niyang ito na nasa langit ay hindi lubusang malinis sa kanyang paningin,
16ang tao pa kaya na ipinanganak na masama at makasalanan, at uhaw sa paggawa ng masama?
17“Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko.