17Wala akong nagawang kasalanan at tapat ang aking panalangin.
18“Ang katulad koʼy isang taong pinatay na nakikiusap sa lupa na huwag tatabunan ang kanyang dugo hanggaʼt hindi niya nakakamtan ang katarungan.
19Kahit ngayon ang saksi koʼy nasa langit. Siya ang magpapatunay na wala akong kasalanan.
20Hinahamak ako ng mga kaibigan ko; ngunit umiiyak ako sa Diyos at humihingi ng tulong sa kanya.
21Ang saksi ko ang siyang magmamakaawa sa Diyos para sa akin, katulad ng taong nakikiusap para sa kanyang kaibigan.