Job 16

“Napakinggan ko na iyan noon pa. Sa halip na aliwin ninyo ako, lalo nʼyo pang pinabigat ang paghihirap ko.

Job 16:2 (UKJV) I have heard many such things: miserable comforters are all of you all.

1Sumagot si Job,

2“Napakinggan ko na iyan noon pa. Sa halip na aliwin ninyo ako, lalo nʼyo pang pinabigat ang paghihirap ko.

3Hindi na ba kayo titigil sa pagsasalita ng walang kabuluhan? Ano baʼng gumugulo sa isipan nʼyo at wala kayong tigil sa pakikipagtalo sa akin?

4Kung kayo ang nasa kalagayan ko, masasabi ko rin ang katulad ng mga sinasabi ninyo sa akin. Pagsasabihan ko kayo at kukutyain pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.