Job 22

Matutuwa kaya ang Diyos na Makapangyarihan kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo?

Job 22:3 (UKJV) Is it any pleasure to the Almighty, that you are righteous? or is it gain to him, that you make your ways perfect?

1Pagkatapos, sumagot si Elifaz na taga-Teman,

2“May pakinabang ba ang tao sa Diyos? Kahit na marunong pa ito, wala itong maitutulong sa kanya.

3Matutuwa kaya ang Diyos na Makapangyarihan kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo?

4“Sinasaway ka at hinahatulan ng Diyos hindi dahil may takot ka sa kanya,

5kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan mo at walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.