3“Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak.
4Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Diyos sa langit ang araw na iyon.
5Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan.
6Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo.
7Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasiyahan noon.