27Ang puso koʼy hindi nahikayat na sumamba sa mga ito.
28Kung nagkasala ako sa paggawa ng mga ito, dapat akong parusahan dahil nagtaksil ako sa Diyos na nasa langit.
29“Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakan ng aking kaaway o ang pagsapit sa kanila ng kahirapan.
30Hindi ako nagkasala sa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila.
31Alam ng aking mga kasambahay na pinapakain ko ang lahat kahit na ang mga dayuhan.