Job 39

Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay sumusugod siya sa digmaan.

Job 39:21 (UKJV) He paws in the valley, and rejoices in his strength: he goes on to meet the armed men.

19“Ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng buhok sa kanyang leeg?

20Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagiging kagimbal-gimbal kapag itoʼy sumisinghal?

21Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay sumusugod siya sa digmaan.

22Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada.

23Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.