Job 41

Kapag bumabahing siya, may lumalabas na parang kidlat at ang kanyang mga mata ay mapula na parang bukang-liwayway.

Job 41:18 (UKJV) By his exhaling a light does shine, and his eyes are like the eyelids of the morning.

16Masinsin ang pagkakadikit-dikit ng mga ito na kahit hangin ay hindi makakalusot.

17Mahigpit ang pagkakadugtong nila sa isaʼt isa, Magkakadikit ang mga ito at hindi matutuklap.

18Kapag bumabahing siya, may lumalabas na parang kidlat at ang kanyang mga mata ay mapula na parang bukang-liwayway.

19Apoy ang dumadaloy mula sa kanyang bibig at sumisiklab ang apoy na lumalabas

20at umuusok ang ilong na parang nagmumula sa kumukulong palayok na may nagliliyab na panggatong.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.