Job 41

Ang kanyang tiyan ay may matatalim na kaliskis, na parang mga basag na bote. Kaya kapag gumagapang siya sa putik, nag-iiwan siya ng mga bakas sa giikan.

Job 41:30 (UKJV) Sharp stones are under him: he spreads sharp pointed things upon the mire.

28Hindi niya iniilagan ang mga pana. Ang mga batong tumatama sa kanyaʼy nagiging parang mga ipa lang.

29Ang mga kahoy na ipinapalo ay parang mga dayami lang sa kanya. At pinagtatawanan lang niya ang mga humahagibis na sibat na inihahagis sa kanya.

30Ang kanyang tiyan ay may matatalim na kaliskis, na parang mga basag na bote. Kaya kapag gumagapang siya sa putik, nag-iiwan siya ng mga bakas sa giikan.

31Kinakalawkaw niya ang dagat hanggang bumula na parang kumukulong tubig sa palayok o kumukulong langis sa kaldero.

32Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.