Job 1

dumating sa bahay ni Job ang isa niyang tauhan at ibinalita ang ganito, “Habang nag-aararo po kami gamit ang inyong mga baka, at pinapastol ang inyong mga asno sa di-kalayuan,

Job 1:14 (UKJV) And there came a messenger unto Job, and said, The oxen were plowing, and the asses feeding beside them:

12Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Sige, kunin mo ang lahat ng mayroon siya, ngunit huwag mo siyang sasaktan.” Kaya umalis agad si Satanas sa harapan ng Panginoon.

13Isang araw, habang kumakain at umiinom ng alak ang mga anak ni Job sa bahay ng panganay,

14dumating sa bahay ni Job ang isa niyang tauhan at ibinalita ang ganito, “Habang nag-aararo po kami gamit ang inyong mga baka, at pinapastol ang inyong mga asno sa di-kalayuan,

15bigla kaming sinalakay ng mga Sabeo. Kinuha po nila ang mga hayop at pinatay ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo!”

16Habang nagsasalita pa ang tauhan, dumating din ang isa pang tauhan ni Job at sinabi, “Tinamaan po ng apoy ng Diyos ang inyong mga tupa at ang mga pastol nito, at nasunog. Ako lang po ang nakaligtas upang magbalita sa inyo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.