10Iniingatan mo siya at ang sambahayan niya, pati na ang lahat ng ari-arian niya. Pinagpapala mo ang lahat ng ginagawa niya. Kaya lalong dumarami ang kanyang mga hayop sa buong lupain.
11Ngunit subukan mong kunin ang lahat ng iyan sa kanya at siguradong isusumpa ka niya.”
12Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Sige, kunin mo ang lahat ng mayroon siya, ngunit huwag mo siyang sasaktan.” Kaya umalis agad si Satanas sa harapan ng Panginoon.
13Isang araw, habang kumakain at umiinom ng alak ang mga anak ni Job sa bahay ng panganay,
14dumating sa bahay ni Job ang isa niyang tauhan at ibinalita ang ganito, “Habang nag-aararo po kami gamit ang inyong mga baka, at pinapastol ang inyong mga asno sa di-kalayuan,