12Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan.
13“Ngunit nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin
14ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin.
15Kung nagkasala ako, kahabag-habag ako! At kung hindi, hindi ko rin maiangat ang ulo ko, sapagkat labis ang aking kahihiyan at nalulunod ako sa aking paghihirap.
16Pinagsisikapan kong bumangon, ngunit para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin.