Job 10

Kung nagkasala ako, kahabag-habag ako! At kung hindi, hindi ko rin maiangat ang ulo ko, sapagkat labis ang aking kahihiyan at nalulunod ako sa aking paghihirap.

Job 10:15 (UKJV) If I be wicked, woe unto me; and if I be righteous, yet will I not lift up my head. I am full of confusion; therefore see you mine affliction;

13“Ngunit nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin

14ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin.

15Kung nagkasala ako, kahabag-habag ako! At kung hindi, hindi ko rin maiangat ang ulo ko, sapagkat labis ang aking kahihiyan at nalulunod ako sa aking paghihirap.

16Pinagsisikapan kong bumangon, ngunit para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin.

17Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.