20Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda.
21Hinahamak niya ang mararangal na tao at inaalisan ng kakayahan ang mga may kapangyarihan.
22Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag.
23Pinalalakas niya ang mga bansa at pinapalawak ang kanilang teritoryo, ngunit ibinabagsak din niya ito at winawasak.
24Ginagawa niyang mangmang ang kanilang mga pinuno at inililigaw sila sa ilang.