10Tiyak na sasawayin kayo ng Diyos kahit na kinakampihan ninyo siya.
11Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya?
12Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.
13“Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na.
14Nakahanda akong itaya ang lahat, maging ang aking buhay.