12Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.
13“Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na.
14Nakahanda akong itaya ang lahat, maging ang aking buhay.
15Kahit patayin pa ako ng Diyos. Ano pa ba ang mawawala sa akin? Ngunit ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya.
16Baka sakaling sa pamamagitan nito ay maligtas ako, dahil walang masamang tao na makakalapit sa kanya.