1“Ang buhay ng tao ay maikli lamang at puno ng kahirapan.
2Ang katulad nito ay isang bulaklak, namumukadkad ngunit agad nalalanta. Katulad din ito ng aninong biglang nawawala.
3Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayan nang ganito ang tao? Gusto nʼyo pa ba siyang hatulan sa inyong hukuman?
4Mayroon bang dalisay na sa marumi magmumula? Wala!
5Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya.