5Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya.
6Kaya hayaan nʼyo na lamang siya upang makapagpahinga naman siya katulad ng isang manggagawa pagkatapos magtrabaho.
7“Kapag pinutol ang isang puno, may pag-asa pa itong mabuhay at tumubong muli.
8Kahit na matanda na ang ugat nito at patay na ang tuod,
9itoʼy uusbong kapag nadiligan, at magkakasibol tulad ng bagong halaman.