10Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
11Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Diyos na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon?
12Bakit nagpapadala ka sa iyong damdamin? At bakit ang mga mata moʼy nanlilisik sa galit,
13kaya sa iyong pananalitaʼy kinakalaban mo ang Diyos at nagsasalita ka nang masama?
14“Kaya ba ng isang tao na mamuhay nang malinis at matuwid sa paningin ng Diyos?