Job 15

Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Diyos na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon?

Job 15:11 (UKJV) Are the consolations of God small with you? is there any secret thing with you?

9Ano baʼng alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan?

10Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.

11Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Diyos na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon?

12Bakit nagpapadala ka sa iyong damdamin? At bakit ang mga mata moʼy nanlilisik sa galit,

13kaya sa iyong pananalitaʼy kinakalaban mo ang Diyos at nagsasalita ka nang masama?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.