17“Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko.
18May masasabi rin tungkol dito ang mga marurunong na tao na natuto sa kanilang mga ninuno.
19Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila.
20Ang taong masama ay maghihirap habambuhay.
21Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niyang baka salakayin siya ng mga tulisan.