19Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila.
20Ang taong masama ay maghihirap habambuhay.
21Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niyang baka salakayin siya ng mga tulisan.
22Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya.
23Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.