20Ang taong masama ay maghihirap habambuhay.
21Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niyang baka salakayin siya ng mga tulisan.
22Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya.
23Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.
24Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway.