22Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya.
23Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.
24Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway.
25Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Diyos na Makapangyarihan.
26Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Diyos.