Job 15

“Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok?

Job 15:7 (UKJV) Are you the first man that was born? or were you made before the hills?

5Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi.

6Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo.

7“Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok?

8Narinig mo na ba ang mga plano ng Diyos? Ikaw lang ba ang marunong?

9Ano baʼng alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.