6Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo.
7“Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok?
8Narinig mo na ba ang mga plano ng Diyos? Ikaw lang ba ang marunong?
9Ano baʼng alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan?
10Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.