Job 16

Pinapayat nʼyo ako; butoʼt balat na lang ako, at ayon sa iba ito ang katunayan na akoʼy nagkasala.

Job 16:8 (UKJV) And you have filled me with wrinkles, which is a witness against me: and my leanness rising up in me bears witness to my face.

6“Ngunit sa ngayon, patuloy pa rin ang paghihirap ko kahit ano pa ang sabihin ko. At kung tumahimik man ako, hindi rin ito mawawala.

7O Diyos, pinanghina nʼyo ako at winasak ang buong sambahayan ko.

8Pinapayat nʼyo ako; butoʼt balat na lang ako, at ayon sa iba ito ang katunayan na akoʼy nagkasala.

9Sa galit nʼyo, O Diyos, sinalakay nʼyo ako. Para kayong mabangis na hayop na lumuray ng aking laman. Nagngangalit ang inyong ngipin at tinititigan nʼyo ako na parang akoʼy inyong kaaway.

10Kinukutya ako at pinagtatawanan ng mga tao. Sinasampal upang hiyain. Nagkaisa sila laban sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.