Job 16

Sa galit nʼyo, O Diyos, sinalakay nʼyo ako. Para kayong mabangis na hayop na lumuray ng aking laman. Nagngangalit ang inyong ngipin at tinititigan nʼyo ako na parang akoʼy inyong kaaway.

Job 16:9 (UKJV) He tears me in his wrath, who hates me: he gnashes upon me with his teeth; mine enemy sharpens his eyes upon me.

7O Diyos, pinanghina nʼyo ako at winasak ang buong sambahayan ko.

8Pinapayat nʼyo ako; butoʼt balat na lang ako, at ayon sa iba ito ang katunayan na akoʼy nagkasala.

9Sa galit nʼyo, O Diyos, sinalakay nʼyo ako. Para kayong mabangis na hayop na lumuray ng aking laman. Nagngangalit ang inyong ngipin at tinititigan nʼyo ako na parang akoʼy inyong kaaway.

10Kinukutya ako at pinagtatawanan ng mga tao. Sinasampal upang hiyain. Nagkaisa sila laban sa akin.

11Ipinaubaya ako ng Diyos sa kamay ng taong masasama at makasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.