9Sa galit nʼyo, O Diyos, sinalakay nʼyo ako. Para kayong mabangis na hayop na lumuray ng aking laman. Nagngangalit ang inyong ngipin at tinititigan nʼyo ako na parang akoʼy inyong kaaway.
10Kinukutya ako at pinagtatawanan ng mga tao. Sinasampal upang hiyain. Nagkaisa sila laban sa akin.
11Ipinaubaya ako ng Diyos sa kamay ng taong masasama at makasalanan.
12Maganda ang kalagayan ko noon, ngunit dinurog niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg, inilugmok, at ginawa niya akong puntiryahan.
13Pinalibutan ako ng mga tagapana niya at walang awang pinagpapana. Tinamaan ang aking bato, at ang apdo koʼy bumulwak sa lupa.