11Ipinaubaya ako ng Diyos sa kamay ng taong masasama at makasalanan.
12Maganda ang kalagayan ko noon, ngunit dinurog niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg, inilugmok, at ginawa niya akong puntiryahan.
13Pinalibutan ako ng mga tagapana niya at walang awang pinagpapana. Tinamaan ang aking bato, at ang apdo koʼy bumulwak sa lupa.
14Paulit-ulit niya akong sinusugatan. Sinasalakay niya akong parang mandirigma.
15“Nagdamit ako ng sako at naupo sa lupa upang magluksa.