Job 17

Ang mga taong matuwid ay nagulat sa nangyaring ito sa akin. Ang mga walang salaʼy nagngitngit sa galit dahil sa mga hindi makadiyos.

Job 17:8 (UKJV) Upright men shall be astonished at this, and the innocent shall stir up himself against the hypocrite.

6“Ginawa akong katawa-tawa ng Diyos sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko.

7Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino.

8Ang mga taong matuwid ay nagulat sa nangyaring ito sa akin. Ang mga walang salaʼy nagngitngit sa galit dahil sa mga hindi makadiyos.

9Ngunit ang matuwid ay nananatili sa kanyang landas at ang mga may malinis na kamay ay lalo pang tatatag.

10Ngunit hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.