Job 17

Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino.

Job 17:7 (UKJV) Mine eye also is dim by reason of sorrow, and all my members are as a shadow.

5Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan upang magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap ng kanyang mga anak.

6“Ginawa akong katawa-tawa ng Diyos sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko.

7Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino.

8Ang mga taong matuwid ay nagulat sa nangyaring ito sa akin. Ang mga walang salaʼy nagngitngit sa galit dahil sa mga hindi makadiyos.

9Ngunit ang matuwid ay nananatili sa kanyang landas at ang mga may malinis na kamay ay lalo pang tatatag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.