Job 17

Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan upang magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap ng kanyang mga anak.

Job 17:5 (UKJV) He that speaks flattery to his friends, even the eyes of his children shall fail.

3O Diyos, tulungan nʼyo po ako na makalaya. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin.

4Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan upang hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagang magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin.

5Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan upang magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap ng kanyang mga anak.

6“Ginawa akong katawa-tawa ng Diyos sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko.

7Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.