Job 17

Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan upang hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagang magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin.

Job 17:4 (UKJV) For you have hid their heart from understanding: therefore shall you not exalt them.

2Napapaligiran ako ng mga mangungutya. Kitang-kita ko kung paano nila ako kutyain.

3O Diyos, tulungan nʼyo po ako na makalaya. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin.

4Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan upang hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagang magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin.

5Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan upang magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap ng kanyang mga anak.

6“Ginawa akong katawa-tawa ng Diyos sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.