1Isang araw, muling nagtipon ang mga anghel sa harapan ng Panginoon, at muli ring sumali sa kanila si Satanas.
2Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt paritong naglilibot sa mundo.”
3Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Nanatili pa rin siyang tapat kahit na inudyukan mo akong sirain siya nang walang dahilan.”