Job 2

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Nanatili pa rin siyang tapat kahit na inudyukan mo akong sirain siya nang walang dahilan.”

Job 2:3 (UKJV) And the LORD said unto Satan, Have you considered my servant Job, that there is none like him in the earth, a perfect and an upright man, one that fears God, and turns away from evil? and still he holds fast his integrity, although you moved me against him, to destroy him without cause.

1Isang araw, muling nagtipon ang mga anghel sa harapan ng Panginoon, at muli ring sumali sa kanila si Satanas.

2Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt paritong naglilibot sa mundo.”

3Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Nanatili pa rin siyang tapat kahit na inudyukan mo akong sirain siya nang walang dahilan.”

4Sinabi ni Satanas, “Matatanggap ng tao na mawala ang lahat sa kanya bastaʼt buhay lang siya.

5Subalit, sa sandaling iangat mo ang iyong kamay at saktan siya, tiyak na isusumpa ka niya nang harapan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.