2Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt paritong naglilibot sa mundo.”
3Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Nanatili pa rin siyang tapat kahit na inudyukan mo akong sirain siya nang walang dahilan.”
4Sinabi ni Satanas, “Matatanggap ng tao na mawala ang lahat sa kanya bastaʼt buhay lang siya.
5Subalit, sa sandaling iangat mo ang iyong kamay at saktan siya, tiyak na isusumpa ka niya nang harapan.”
6Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, ngunit huwag mo lamang siyang papatayin.”