25May mga tao ring namamatay sa kahirapan, at hindi nakaranas ng kahit kaunting kaginhawahan sa buhay.
26Ngunit pareho rin silang ililibing sa lupa at kakainin ng mga uod.
27“Alam ko kung ano ang nasa isip ninyo. Alam ko kung ano ang binabalak ninyo laban sa akin.
28Sasabihin ninyo sa akin ang tungkol sa mga taong mayaman na nawasak ang tahanan dahil sa kanilang kasamaan.
29Hindi ba kayo nakapagtanong sa mga naglalakbay? Hindi ba ninyo binigyang pansin ang kanilang mga salaysay?