1Sumagot si Job,
2“Pakinggan ninyo akong mabuti upang mapasaya rin ninyo ako.
3Makinig kayo habang nagsasalita ako at kapag akoʼy tapos na, tuyain ninyo ako kung gusto ninyo.
4“Ang hinaing koʼy hindi laban sa tao. Ito ang dahilan kung bakit maikli ang pasensya ko.
5Tingnan ninyo ako at kayoʼy masisindak. Sa nakita ninyo sa akin makakapagsalita pa ba kayo?